Paano kung gayon isusulat si Vincent Jan Cruz Rubio, o VJ sa mga kaibigan, kung ang kanyang istorya ay di pa tapos? Saka wala naman talagang natatapos na kuwento sa totoong buhay na hindi sinasalitan ng mga dapat at sana. Maikling panahon lang ang kanyang inilagi sa mundo pero masasabing ganap niyang tinamasa ang buhay. Ganoon pa man ay may iniwan siyang ambag sa atin, ang maikling koleksiyong ito ng kanyang mga naisulat. Si VJ, gusto lamang niyang maging manunulat. Iyon ang ekspresyon niya ng paghahanap ng kahulugan. Sa kanyang mundo ng imahinasyon, nagtatagumpay ang mga bida. Nabibigo ang masasama. Pinagtatawanan niya ang kahibangan ng power. Sinisikhayan niya ang ipinunlang pag-asa. May buhay siyang binubuo sa kanyang mga akda. Dito’y napipino niya ang magulong realidad ng kanyang lipunan. Kaya nga may artist ang lipunan, para may mag-ayos ng gulo sa kapaligiran. Sapagkat marahas ang totoong buhay, kailangan ng malikhaing imahinasyon, kailangan ng mga artist na magbibigay ng rhyme and reason, ng alternatibong pananaw sa kinagisnan. —Jun Cruz Reyes, PhD Likhaan: UP Institute of Creative Writing at Center for Creative Writing, PUP
Nagtapos ng BA Araling Pilipino major sa Pelikula at Malikhaing Pagsulat si Vincent Jan Cruz Rubio. Tubo siyang Pasig sa Kamaynilaan ngunit may alaala ng Davao, ang lugar ng kapanganakan ng kanyang ama. Naging manunulat siya sa maraming publikasyon at nagkamit ng mga parangal pampanitikan. Naging fellow rin siya sa UP Likhaan National Writers Workshop at maging sa iba’t ibang writers fellowship at workshop. Namayapa siya noong Marso 2009 sa siyudad na kanyang inibig at kinasuklaman
Format:
Paperback
Pages:
130 pages
Publication:
2022
Publisher:
University of the Philippines
Edition:
Language:
fil
ISBN10:
9715429750
ISBN13:
9789715429757
kindle Asin:
9715429750
Paspas: Mga Kuwentong Siyudad ni Vincent Jan Cruz Rubio (1980-2009)